Clients who lodge their request/complaint through the IGRMS shall receive a notification (through SMS, call, or email) regarding the status of the request/complaint.
(Sa lahat ng mga kliyente na naghain ng kanilang mga request, hinaing o reklamo sa IGRMS ay makakatanggap ng abiso sa pamamagitan ng text message, tawag sa inyong numero o maging email hinggil sa estado ng inyong ipinadalang concern.)
With the IGRMS public portal, you may tick the box “Anonymous” and we will not need your name and address. However, for feedback purposes, the AOS will request your contact number or email address to ensure that we will still provide you a response/update regarding the status of your complaint.
(Sa pamamagitan ng IGRMS public portal, maaaring pindutin ang box na may nakalagay na Anonymous nang sa ganoon ay hindi makikita ang inyong personal na impromasyon. Gayunpaman, upang makapagbigay ang AOS ng update o estado ng inyong ipinadalang request, hinaing o reklamo, kinakailangan namin na makuha ang inyong numero o maging email para kayo ay aming mabigyan ng sagot o feedback tungkol sa inyong concern. Nais namin linawin na para sa inyong proteksyon, kung ang nakalagay ay Anonymous, tanging AOS lamang ang makakakita ng inyong numero o email.)
Multiple complaints can be filed. However, we encourage you to include the ticket reference number (if available) of your first complaint prior to sending another complaint for our monitoring purposes.
(Maaring maghain ng maraming reklamo. Gayunpaman, hinihikayat namin na maaari ninyo isama ang tiket reference number nang naunang hinaing na inyong naipadala sa aming tanggapan bago magpadala ng bagong reklamo para mamonitor namin kung natugunan ba ang naunang naipadala.)
Your personal information is safe with our Department as we adhere to the Philippine Data Privacy Act of 2012.
(Sinisiguro namin na ligtas ang inyong personal na impormasyon sa aming tanggapan bilang pagsunod sa batas ng Data Privacy Act 2012.)
You may call the DSWD official hotline numbers at 0917-110-5686, 0917-827-2543, and 0919-911-6200 or you may visit our office at the Public Assistance and Complaints Desk (PACD) for the status and update of your inquiries, clarifications or complaints.
(Maaari kayong tumawag sa opisyal na numero ng DSWD sa 0917-110-5686, 0917-827-2543 o sa 0919-911-6200 o kaya naman ay magsadya sa aming tanggapan sa Public Assistance and Complaints Desk upang kayo ay direktang mabigyan ng estado ng inyong hinaing katanungan, hinaing o reklamo.)